Sunday, November 15, 2009

Dear God

I Love You


I know, you know that.
Please Do.



Sunday, November 1, 2009

I know that I can

I WILL CHANGE.
I AM TRYING TO.
I AM DOING MY BEST
TO
CHANGE
...
AND THAT'S MY PROMISE


.I Still want what I’ve always wanted...

To be the best person as I can be.

-Oprah Winfrey


Life is an opportunity, benefit from it. Life is beauty, admire it.
Life is bliss, taste it. Life is a dream, realize it.
Life is a challenge, meet it. Life is a duty, complete it.
Life is a game, play it. Life is a promise, fulfill it.
Life is sorrow, overcome it. Life is a song, sing it.
Life is a struggle, accept it. Life is a tragedy, confront it.
Life is an adventure, dare it. Life is luck, make it.
Life is too precious, do not destroy it. Life is life, fight for it.

-Mother Teresa

I know that in every problem there is a solution.
I know I can surpass this.
I know that in the end I will have a bright smile.
;")

Review of the movie URDUJA.

This is my own review of the movie Urduja.
Enjoy!

  1. PAMAGAT NG PELIKULA

Ang pamagat ng pelikula ay Urduja. Ito ang pamagat dahil ang kwento ng pelikulay ay tungkol sa pangunahing tauhan na si Prinsesa Urduja. Masasabi ko talaga na ang pamagat ng pelikulang ito ay angkop talaga. Ito’y angkop talaga dahil si Urduja ang pangunahing karakter at umiikot ang kwento ng pelikula kay Urduja. Kung ako ang tatanungin, hindi ko na papalitan ang pamagat ng pelikula dahil sa aking tingin ay wala ng mas gaganda pa sa pamagat na Urduja. Binigyan sila ng rating ng Cinema Evaluation Board ng “A”.

  1. DIREKTOR

Si Direktor Reggie Entienza ang direktor ng kahanga-hangang pelikulang Urduja. Siya ay naging napakahusay sa pag direk ng Urduja. Ang pelikulang Urduja ay ang pinaka-unang pelikulang “animated” sa buong Pilipinas. Ito ay talagang kahanga-hanga. Ang pelikulang ito ay walang katulad dahil ang produksyon nito ay umabot ng 13 taon! Walang katulad talaga!

  1. Pangunahing Tauhan

Ang mga tauhan sa pelikula ay sina Prinsesa Urduja bilang Prinsesa ng tribong Tawilisi na anak ni Lakanpati at mahal din siya ni Limhang na isang Intsik na pirata na tumakas galling Tsina sa mga kamay ni Heneral Wang. Kasama ni Limhang ang kanyang grupo at si Daisuke at si Kukut. Nandiyan rin ang kaibigan at katiwala ni Prinsesa Urduja na si Mayumi na may gusto kay Daisuke at gusto rin siya ni Daisuke. Nandiyan rin si Simakwel bilang lider ng mga mandirigma ng tribo ng Tawilisi at siya ang nakatakdang pakasalan ni Urduja. Kasama din sina Tarsir at Botyok na bagong kaibigan ni Kukut sa mga tauhan ng pelikula.

Isinambuhay ang mga tuhan gamit ang boses nina Regine Velasquez bilang Urduja, Cesar Montano bilang Limhang, Eddie Garcia bilang Lakanpati, Jay Manalo bilang Simakwel, Johnny Delgado bilang Wang, Ruby Rodriguez bilang Mayumi, Eppie Quizon bilang Daisuke, Michael V bilang Kukut, Allan K. bilang Tarsir, at si BJ Forbes bilang Botyok.

Hindi lahat ng mga tauhan ay nakikita sa totoong buhay katulad ng nagsasalitang daga, kalabaw, at tarsir, ngunit maliban diyan ang ibang mga tauhan ay makikita sa totoong buhay. Ang mga boses ng mga artista ay naging mahusay at epektibo sa pelikula. Dahil tama lang ang mga emosyon ang kanilang ginamit upang mapa-bilib ang kanilang mga manonood katulad ko.

D. TEMA NG PELIKULA

“Isang alamat ng pag-ibig...
Tuklasin ang iba't ibang kulay ng kasaysayan...
Sundan ang agos ng tadhana...
Makinig sa himig ng pag-ibig...”

Masasabi ko na iyan ang paksang tinatalakay sa pelikula. Masasabi ko rin na iyan din ang tema ng pelikula. Maliban diyan ipinapakita din kung gano ka importante ang kagitingan ang paninindigan sa pelikula.

Ang mga isyung inilalahad sa pelikula ay sa tingin ko naman napapanahon kahit mukhang makaluma ito. Ngunit, hindi dapat nating kalimutan na mayroon din mga tribo sa ating lugar na minsan ay nakikita sa mga kagubatan katulad ng Urduja. Ang isyu tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tao ay napapanahon din at ang katapangan at kagitingan din.

E. Buod ng Pelikula.

Itinakda sa ika-13 siglo, ito ay nagsasaad na ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa isang maalamat na prinsesang mandirigma na nagngangalang Urduja. Bilang nag-iisang tagapagmana ng trono ng tribung Tawilisi, si Urduja ay lumaki kasama ang kanyang ama upang maprotektahan ang kanilang mga tao mula sa kanilang karibal na tribo, ang Badyaw. Subalit, tradisyon na nila na isang lalake ang maghari sa kanilang tribo, pinili ng ama ni Urduja na ipaksal siya kay Simakwel--ang mapagmataas na lider ng mga magdirigma ng Tawilisi (ang pangalan ng kanilang tribo).


Samantala, kapalaran ang gumawa upang si Limhang (isang piratang Intsik) at ang kanyang mga tao ay mapadpad sa tribo/lugar ng mga tawilsi. Naging malapit ang mga kalooban ni Urduja at Limhang. Subalit, naging problemado si Simakwel sa pag-iisip na mawawala ang korono at si Urduja sa kanya, kaya naman nag-isip siya ng mga masasamang plano. Gayunman, walang makakapigil sa pag-iibigan nina Urduja at Limhang.

II. Aspektong panteknikal

A. Musika

Ang pangunahing kanta ng Urduja ay “Babae Ako” at ito ay ang kantang kinanta ni Regine Velasquez na gumanap ng boses ni Urduja. Ito ay isang napakagandang kanta! Naayon talaga ang kanta sa tema, lugar at kabuuan ng pelikula. Nakutolong talaga ang kanta ito dahil mas pinaganda pa nito ang pelikula. Kabigha-bighani talaga ang kantang ito. Mayroon din ibang kanta sa Urduja na maganda rin. Maliban sa mga musikang nasabi ko, ang mga tunog din na inilahad sa pelikula ay angkop at tamang tama rin. Angkop na angkop talaga ang mga musika at tunog na nasa pelikula.

B. SINEMATOGRAPIYA

Napakaganda at makulay ang kulay ng kabuuan ng pelikula. Ito rin ay malinaw. Napakaganda talaga ng kalidad ng sinematograpiya ng pelikulang Urduja.

C. Banghay ng Pangyayari

Napaka-ayos ng pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa pelikula. Ito ay klaro at maayos talaga. Kaya hindi siya mahirap unawain. Wala masyadong “flashback scenes” na nakita sa pelikula. Ngunit sa unang tagpuan sa pelikula mayroong isang “flashback” scene na nangyari at ito ay nakatulong upang maging mas maayos ang paglalahad ng mga pangyari sa pelikula.

  1. Tagpuan

Ang kwento ng pelikula ay nangyari sa gubat at ibang parte ng kwento ay nangyari sa kadagatan. Ang gubat kung saan nakatira ang tribo ng Tawilisi at ang dagat kung saan nangyari ang paghabol ng grupo ni Gen. Wang sa grupo ni Limhang. Angkop ito at napaka mahalaga dahil ang aspekto ng kwento ay nangyari talaga sa mga tagpuan na ipinakita sa pelikula. Ito ay naayon talaga. Ito ay importante dahil kung wala ang mga tagpuan o kung walang tamang tagpuan, ang kwento o ang pelikula ay maapektuhan at makakasira ito.

III. Kahalagahang Pantao

Kahit isang “animated” ito na pelikula, makatotohanan din ang mga pangyayari na ipinapakita ito. Sa tingin ko maraming tao ang maantig sa pelikulang Urduja at marami din tayong matutunan sa pelikulang ito.


Flores e Flowers

"Friends are Welcome and Haters Too". :P

Sobre a Emporium

My photo
Hi, I'm Tanya. A Diva. Can't help it, I was born this way.

  © Blogger Template by Emporium Digital 2008

Back to TOP